dzme1530.ph

Mga Gen Z, mas gusto ang WFH jobs

Mayorya o 82% ng mga estudyanteng Pinoy ang gusto na lamang mag work from home (WFH) o magtrabaho remotely pagkatapos mag-kolehiyo.

Sa resulta ng ikinasang Universum’s Talent Survey 2023, lumabas na mas maraming mag-aaral sa kolehiyo ang umaasang aabot sa average na P374,403 o P31,000 kada buwan ang kanilang buwanang-sahod.

Ipinapakita rin dito na ang average annual salary expectation ng mga lalaking respondents ay P399,081 o 10% na mas mataas sa P360,606 na preferred salary ng mga kababaihan.

Isinagawa ang survey mula Nobyembre 2022 hanggang Marso 2023 sa 5,698 mag-aaral mula sa 103 universities sa buong bansa kung saan karamihan sa mga ito ay Gen Z o mga nasa pagitan ng 16 at 23 anyos. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author