dzme1530.ph

MIF, ‘di makakapagpataas ng utang ng bansa -NEDA

Hindi makakapagpataas ng utang ng Pilipinas ang Maharlika Investment Fund.

Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa naganap forum sa Makati City.

Ayon kay Balisacan, ang MIF ay mayroong “small initial capitalization” na papalo lamang sa P125-B hanggang P500 –B ngunit may malaking epekto sa fiscal health ng bansa.

Mamuhunan aniya ang MIF sa profitable sectors gaya ng infrastructure at energy projects.

Sa tulong ani Balisacan ng medium term fiscal framework matutugunan ang isyu ng utang, deficits, macro economy, at ekonomiya bagay na hindi nakakabahala. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author