dzme1530.ph

Pag-adopt ng Kamara sa Senate version ng MIF Bill, kinumpirma ni Salceda

Kinumpirma ni Ways and Means panel Chairman Cong. Joey Salceda, ang pag-adopt ng Kamara sa Senate version ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Si Salceda ay chairman ng TWG sa MIF Act, at kasapi ng House contingent sa bicam.

Inamin ni Salceda na ang adoption sa Senate version ay para masigurong mapipirmahan ito ni PBBM, at magiging bahagi ng ulat sa bayan sa darating na SONA.

At gaya ng naipangako nito, hindi gagamitin sa MIF ang pondo ng SSS, GSIS, Philhealth at Home Development Mutual Fund.

Sa kabila nito, iminungkahe ng kongresista na payagan ang multilateral financing institutions gaya ng World Bank at Asian Development Bank na maging strategic partners sa pagtatayo ng MIF dahil may sapat itong pera at expertise.

Pinasalamatan din ni Salceda ang mga senador sa pagpanatili ng mahalagang bahagi sa House version tulad ng accountability at transparency safeguards. —sa ulan ni Ed Sarto, DZME News

About The Author