Nangangamba si House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, na magsara ang maraming private universities at colleges dahil sa hindi nababayarang utang ng Commission on Higher Education (CHED) na nagkakahalaga ng P6-B.
Ayon kay Daza karamihan sa private universities at colleges ay may collectibles sa CHED mula sa Tertiary Education Financial Asistance sa mahihirap na estudyante alinsunod sa utos ng Republic Act 10931 o Free Access to Tertiary Education Act.
Lumitaw sa pagdinig ng Committee on Higher Education na maliit ang pondo na nilalaan ng DBM sa CHED para sa Tertiary Education Financial Assistance.
Dahil sa utang ng CHED, umakyat sa 44% ang college drop-out na karamihan ay mahihirap na estudyante.
Dahil dito iminungkahi ni Daza na gamitin ang P10.1-B Higher Education Development Funds na misteryosong kinokontra ni CHED Chairman Prospero de Vera. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News