Tinanggap na ng Kamara ang bersyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Ito ay matapos ang ilang oras na bicameral conference committee meeting para talakayin ang disagreeing provisions ng panukala.
Sa bicam meeting, inanunsyo ng House panel head na si Manila 5th District Irwin Tieng na tinatanggap nila “in principle” ang bersyon ng Senado.
Kinumpirma rin ito ni Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Ayon kay Pimentel, kahit tinanggap nang buo ng Kamara ang kanilang bersyon ay kailangan pa ring ratipikahan ng dalawang kapulungan ang report ng bicam conference committee.
Kabilang sa major amendment ng Senado ang probisyon na pagpapataw ng anim na taong pagkabilanggo bilang dagdag na parusa sa mga masasangkot sa pag-abuso sa Maharlika fund na sa bersyon ng Kamara ay multa lamang ang ipinapataw. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News