dzme1530.ph

MWSS, patuloy na humihirit ng mas mataas na alokasyon ng tubig sa NCR

Inihihirit pa rin ng Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resource Board (NWRB) na panatilihin ang karagdagang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Kasunod ito ng nalalapit na pagpaso ngayong buwan ng inaprubahang 52 cubic meters per second na alokasyon ng tubig.

Ayon kay MWSS Division Manager Engr. Patrick Dizon nagpadala na sila ng liham sa NWRB na humihiling na ipagpatuloy nito ang naturang alokasyon hanggang sa Hunyo.

Ito’y dahil kailangan pa rin aniya ang dagdag na alokasyon upang masigurong walang makararanas ng mabahang water interruption sa Metro Manila.

Iginiit din ni Dizon na nananatiling mataas ang demand ng tubig sa mga customer ng water concessionaire sa Manila Water at Maynilad, kasabay ng pagpapaalala sa publiko na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author