Bumaba pa ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba ito sa 21% noong May 28 mula sa 25.7% noong May 20.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.
Sa kabila ng mababang bilang, tumaas naman ang positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon.
Nangunguna rito ang Oriental Mindoro na nakapagtala ng 55%, sinundan ng Bataan na may 38%, Tarlac na may 21%, at Cagayan na nakapag-ulat ng 27%.
Inaasahan naman ni David na papalo sa 800 hanggang 900 ang mga bagong kaso ng COVID-19 bukas, May 31. —sa panulat ni Airiam Sancho