dzme1530.ph

Minanang tax system sa Duterte admin, mas maayos kaysa sa tax system mula sa administrasyong Aquino –DOF

Inihayag ng Department of Finance (DOF) na mas maayos ang minanang tax system ng kasalukuyang gobyerno mula sa administrasyong Duterte, kumpara sa tax system ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa press briefing sa Malakanyang, pinuri ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang tax measures na ipinasa ng nagdaang administrasyon na nagpakita umano ng totoong tax reforms.

Kabilang sa mga ipinagmalaki nito ang “corporate recovery and tax incentives for enterprises act” o “CREATE” law.

Noong panahon umano na wala pa ang CREATE law, walang sistematikong assessment ang gobyerno sa pagbibigay ng tax incentives, at hindi rin nata-track o nasusundan kung magkano ang buwis na nawawala sa pamahalaan.

Kaugnay dito, sa ilalim ng CREATE law ay nasundan na ang tax incentives kabilang ang pagbabawas sa personal income tax para sa lower income households, at stimulus package para sa pandemic recovery kabilang ang pagbabawas ng corporate income tax at pagbibigay ng tax relief sa mga piling establisimiyento.

Upang mabawi naman ang mga nawalang buwis, dinagdagaan o tinaasan ang buwis sa lifestyle products and services kabilang ang excise tax sa sweetened beverages at tobacco products, at pagtataas ng documentary stamp tax. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author