Naglaan ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ng emergency supplies para sa 10,000 pamilya na apektado ng bagyong #BettyPH.
Kabilang dito ang schools-in-a-box kits, family hygiene, dignity kits, tents, water purification tablets, ready-to-use therapeutic food, at marami pang iba.
Ayon sa UN Agency, ang naturang supply ay kaagad na ipamamahagi sa mga lugar na apektado sa pamamagitan ng kanilang partners.
Matatandaang base sa datos na inilabas ng UNICEF noong nakaraang linggo, mayorya ng mga batang Pilipino ang pinaka-apektado ng climate change at pinaka-vulnerable dahil sa mabilis na pagbabago nito. —sa panulat ni Jam Tarrayo