Thumbs down si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mungkahing pagpapatupad ng total deployment ban ng Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Ayon sa pangulo, may mga pagkakataong maituturing na “over reaction” ang pagpapatupad ng ban, at hindi umano siya kumportable rito.
Sinabi pa ni Marcos na hindi niya nais na putulin ang anumang tulay.
Bukod dito, dumaing din ang pangulo dahil ang kuwait pa umano ang nagpatupad ng ban sa pilipinas matapos nitong suspendihin ang pag-iissue ng working visa para sa mga bagong o-f-w.
Ibinahagi ng chief executive na hindi sila nagkasundo ng kuwait dahil sinasabi nila na may paglabag ang pilipinas sa kanilang rules o mga panuntunan.
Matatandaang nanawagan si Pangasinan Rep. Rachel Arenas sa pagpapatupad ng total OFW deployment ban sa Kuwait dahil sa umano’y mga karumal-dumal na krimen ng mga employer sa mga trabahador na Pinoy, kabilang na ang sinasabing panggagahasa, pagpatay, at pagsunog sa Pinay na si Jullebee Ranara. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News