Kinumpirma ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na ‘no votes’ ang kanilang ihahain sa sandaling isalang sa 2nd at 3rd reading sa susunod na linggo ang Maharlika Investment Fund Bill.
Sinabi ni Pimentel na naka-iskedyul pa silang mag interpellate ni Senator Risa Hontiveros.
Magdedeliver sila ng kontra speech kung saan ay iisa isahin nila ang mga dahilan at argumento bakit tutol sila sa panukalang Maharlika Investment Fund.
Umaasa pa ang senador na magiging dahilan ang kanilang kontra speech upang magbago ang isip ng ilan nilang kasama na pabor sa nabanggit na panukala.
Alinsund anya sa senate rules ang kontra speech ay ipinapasok bago buksan ang period of amendments sa panukala. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News