Umaasa si Senate Pres Migz Zubiri na ia-adopt ng Kamara ang aaprubahang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund bill sa susunod na Linggo.
Nanindigan si Zubiri na mas pinaganda ng senado ang bersyon nito dahil nilagyan nila ito ng dagdag na safeguards para maiwasan ang posibleng pag-abuso o maling paggamit ng pondo.
Dahil certified bilang urgent maaaring magkasunod na aprubahan sa 2nd reading at 3rd reading ang bill na hindi na kailangang i-obserba ang 3-day rule.
Sinabi naman ni Senator Chiz Escudero na mayroon pang mga ipapasok na amendments ang Department of Finance at Bureau of the Treasury bilang committee amendments kaya hihintayin nila ang clean copy ng bill.
Kapag anya in-adopt ng kamara ang senate version ng Maharlika Investment Bill wala ng bicameral conference committee meeting kaya’t maihahabol ito sa SONA ng pangulo. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News