Nagsampa sa Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 69 tax evasion complaints na nagkakahalaga ng P1.8-B na pagkalugi sa pamahalaan, laban sa mga tiwaling cigarette trader.
Sinabi ni BIR Chief Jun Lumagui Jr. na nag-ugat ang reklamo mula sa nationwide raid na isinagawa noong January 25.
Aniya, ang mga kinumpiskang sigarilyo noong Enero ay walang stamp o peke ang stamp para palabasing bayad ang buwis ng mga nito.
Idinagdag ni lumagui na ilan din sa mga respondent ay nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo. —sa panulat ni Lea Soriano