dzme1530.ph

Animal Health Emergency, idineklara sa Brazil

Isinailalim sa 180 day-animal health emergency ang Brazil matapos makumpirma ang walong kaso ng H5N1 virus o avian flu sa dalawang lungsod.

Ayon sa Agricultural Ministry ng Brazil, makakatulong ito para pigilan ang pagkalat ng virus sa domesticated birds at commercial poultry operations sa bansa.

Sa datos na inilabas ng ministry, isa ang kumpirmadong kaso sa Rio De Janeiro at pito naman sa Espirito Santo, parehong sa southeastern area ng Brazil.

Sinabi ni Agriculture Minister Carlos Favaro, wala pang nadidiskubreng mabisang panlaban sa naturang virus na itinuturing na deadly sa parehong wild at domesticated birds.

Gayunman, nilinaw ng ABPA Industry Group na hindi ito makakaapekto sa chicken export ng Brazil dahil hindi naman napeste ang kanilang commercial birds. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author