dzme1530.ph

Higit P565-M halaga ng food packs, inihanda na ng DSWD

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P565-M na halaga ng food packs sa kanilang regional offices bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Mawar.

Ayon sa DSWD, ready na ang nasa 797,051 family food packs sa mga regional office; 110,667 family food packs sa disaster response centers; 101,000 sa national resource operations center sa Pasay City; at 9,000 family food packs naman sa Visayas Disaster Resource Center.

Dagdag pa ng kagawaran, base sa weather forecast ang bagyo ay maaaring makaapekto sa Ilocos region, Cagayan Valley, at Batanes area, kung kaya’t marami sa kanilang mga food packs ang naipon para sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, nagbaba na rin ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga regional director na makipag-ugnayan sa kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils, at pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na maghanda para sa posibleng epekto ng bagyo. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author