dzme1530.ph

Mga senador, dismayado sa natuklasan sa kita ng NGCP ay napupunta sa dibidendo

Dismayado ang mga senador nang makumpirma na malaking porsyento ng kita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay napupunta sa dibidendo ng mga shareholders nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa operasyon ng NGCP, iprinisinta ng NGCP ang kanilang financial statements.

Sa datos noong taong 2019, lumalabas na sa P20.3-B na net income o kita ng NGCP ay nasa P15-B ang napunta sa dibidendo na katumbas ng halos 75% ng kita ng kumpanya.

Tugon naman ni NGCP Asst. Corporate Secretary Atty. Ronald Dylan Concepcion, nasa P39-B ang capital outlay ng NGCP noong 2019 na siyang alokasyon para sa pagsasaayos ng kanilang mga proyekto.

Taong 2017 naman, sa P20.6-B na net income ng NGCP, P19-B o halos 99% ang napunta sa dibidendo.

Dahil sa presentasyon na ito, sinabi ni Committee Chairman Raffy Tulfo na ito malinaw sa kanya ang dahilan kaya nagkakaproblema ang NGCP sa development ang kumpanya sa mga linya ng kuryente sa bansa.

Ito kasi anya dahil inuuna pa ng NGCP ang kita ng mga shareholder sa halip na pagbuhusan ng pondo ang mga development projects nito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author