Target ng Northern Davao Electric Cooperative, Inc. (NORDECO) na wakasan ang krisis sa suplay ng kuryente sa Samal Island sa katapusan ng Mayo.
Ito ang inihayag ni Marilou Impuesto, manager ng NORDECO Institutional Service Department sa pagdinig ng Senate Energy Committee kaugnay sa kakulangan ng power supply sa lugar.
Paliwanag ng National Electrification Administration (NEA), nasa 6.1 megawatts lamang ang power supply sa lugar at hindi nito abot ang 9 megawatts na power demand.
Nakatakda namang dumating bukas ang karagdagang 2-megawatts generator sets na na-secure ng NORDECO. —sa panulat ni Airiam Sancho