dzme1530.ph

Mga simpleng paraan upang maiwasan ang pagrupok ng kuko, alamin!

Karamihan sa mga kababaihan sa ngayon ang nahihirapang magpahaba ng kuko dahil sa pagiging marupok nito.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng brittle nails ay senyales na ang isang tao ay may mababang lebel ng zinc at iron sa katawan.

Maliban sa pagkain ng mga prutas at gulay na mataas sa bitamina at mineral, maaaring subukan ang ilang mga paraan upang mapatibay ang mga kuko.

Una, ibabad ang mga daliri/kuko sa olive oil ng 10 hanggang 15 minuto.

Taglay ng olive oil ang vitamin e na nagbibigay ng moisture sa katawan upang mapanatiling maganda ang ating mga kutis.

Pangalawa, maaari ring gumamit ng cuticle cream bago matulog upang hindi mag-dry at rumupok ang iyong kuko.

At pangatlo, magsuot ng gloves sa tuwing gagawa ng mga gawing bahay, at pumili rin ng detergent o sabon na banayad lamang sa kamay. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author