dzme1530.ph

DBM, inilabas ang P5-B para sa pagsasaayos ng Marawi at iba pang conflict-affected areas sa BARMM

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5-B pondo para sa pagsasaayos ng Marawi City at iba pang lugar na apektado ng mga tensyon at bakbakan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang special allotment release order para sa P5-B na special development fund ng BARMM.

Ayon kay Pangandaman, alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay magpapatuloy ang DBM sa pag-alalay sa rehiyon.

Umaasa ang DBM na gagamitin ng husto ng BARMM ang pondo upang tulungan ang mga nangangailangan at isaayos ang mga komunidad.

Matatandaang sa ilalim ng Republic Act 11054, inoobliga ang national gov’t na maglaan ng annual P5-B special development fund sa loob ng 10 taon para sa rehabilitasyon at pag-develop sa conflict-affected areas. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author