Itinuring ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na “vote of confidence” sa Marcos administration ang pag-revise ng Fitch Rating sa credit outlook ng Pilipinas mula sa “negative” tungo sa “stable outlook.”
Ayon kay Romualdez, ang “stable outlook” ng international credit rating agency ay vote of confidence sa socioeconomic agenda ng Marcos administration.
Hudyat din aniya ito sa Kongreso na ipagpatuloy ang mga reporma na kaakibat sa eight-point economic agenda ni PBBM na ang hangad ay lumikha ng maraming trabaho, palakasin ang social services at ibalik ang sigla ng ekonomiya.
Nitong Lunes, inihayag ng Fitch na kanilang binago ang naunang negative outlook sa “stable outlook” para sa Philippines’ Long-Term Foreign-Currency Issuer Default, at pinagtitibay ang “BBB” investment grade ng Pilipinas.
Sa pagtaya ng Fitch, ang ekonomiya ng Pilipinas ay bumalik na sa “strong medium-term growth” matapos ang COVID-19 pandemic. —sa ulat ni Ed Saryo, DZME News