Hinimok ni Senador Loren Legarda ang mga awtoridad na imbestigahang mabuti ang sunog sa Manila Central Post Office at tiyaking hindi na muling mauulit ang insidente.
Iginiit ni Legarda na dapat protektahan ang mga historical sites na maituturing na mahalagang architectural inheritance.
Nakalulungkot at maituturing anyang tragic incident ang pagkakasunog ng isa sa historic buildings sa Pilipinas at idineklarang Important Cultural Property (ICP) na naitayo noon pang 1926 at isa sa oldest at most iconic structures.
Inilarawan pa ng senador ang gusali bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan matapos makaligtas sa mga kalamidad at Battle of Manila noong World War II.
Bago anya ang insidente ang decades-old structure ay nagkakaloob ng postal services bukod sa operasyon bilang museum. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News