dzme1530.ph

P1.055-M halaga ng hinihinalang shabu, naharang ng BOC

Muling nakarahang ang Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ng bagahe na naglalaman ng shabu na may street value na P1.055-M.

Ayon kay BOC District Collector Atty. Elvira Cruz, idineklara na ang laman ng package ay chocolate subalit naging kahina-hinala ito kaya idinaan sa x-ray inspection.

Dito na nakita ang pack ng Nerd gummies na may medium plastic at 10 maliliit ding plastic na naglalaman ng crystalline substance na nakumpirmang shabu matapos suriin sa chemical laboratory.

Nagawang maaresto ang lalaki na tumanggap ng package sa isinagawang controlled delivery operation.

Bago ito naharang din sa Port of Clark ang isang package na naglalaman ng 1.8 kilo ng shabu na umabot sa P12.47-M ang halaga, at dito naaresto ang tumanggap ng package sa Mandaluyong City.

Sa NAIA Terminal 1 naman nadiskubre din ng BOC ang 2.846 kilo ng shabu na umabot sa P19-M ang halaga sa isang bag na inabandona. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author