Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang game-changing surface-to-air missile system ng Philippine Navy ay magpapalakas sa defense capabilities ng Pilipinas.
Ito ay sa harap ng umano’y “Fluid Security Situation” sa rehiyon.
Sa live surface to air missile test firing ng BRP Antonio Luna sa karagatan ng San Antonio Zambales, iginiit ng pangulo na mahalagang maging fully equipped o kumpleto sa kagamitan, ensayado, at palaging maging alerto ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Navy upang maka-responde sa anumang banta sa bansa.
Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na ipagpapatuloy ng administrasyon ang modernisasyon at pagpapalakas sa AFP.
Patuloy ding isasagawa ang mga ganitong uri ng naval exercises.
Matatandaang ilan sa mga kasalukuyang sigalot sa rehiyon ay ang South China sea dispute at tensyon sa Taiwan. —sa ulat ni Harley Valbuena