Ibinabala ng United Nations na mayroong 98% na tiyansang maranasan ng buong mundo ang pinakamainit na panahon ngayong taon hanggang 2027.
Sinabi ng United Nations World Meteorological Organization na maliban dito, nasa 66% naman ang posibilidad na tataas pa ng hanggang 2 centigrade ang normal temperature sa nakalipas na mga taon.
Anila labis kasi ang pag-angat ng greenhouse gases sa gitna ng nagbabantang pananalasa ng El nino na mas nagpapalala ng heat temperature.
Kung kaya’t ipinanawagan ng UN sa publiko na pairalin ang pagtutulungan upang malabanan ang malalang init ng panahon sa pamamagitan ng mga proyektong makakatulong sa kapaligiran. —sa panulat ni Jam Tarrayo