Iginiit ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na hindi US military bases ang EDCA sites kung saan mayroong access sa Philippine bases ang American troops sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Ipinaliwanag ni Carlson na ang EDCA sites ay Philippine military bases na pinondohan ng US upang magkaroon ng improvements na pakikinabangan ng dalawang bansa, sa sandaling magkaroon ng anumang banta laban sa isa sa dalawang miyembro ng naturang Mutual Defense Treaty Alliance.
Binigyang diin din ni carlson na gagamitin ang EDCA sites, alinsunod sa imbitasyon ng Pilipinas, dahil hindi naman ito sa US at wala silang karapatan sa mga base militar.
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya papayag na gamitin ang military bases ng bansa para sa anumang offensive attacks. —sa panulat ni Lea Soriano