dzme1530.ph

Investment pledges sa 1st quarter ng 2023, lumobo sa P172.7-B

Sumipa ang Foreign Investment Pledges sa unang quarter ng 2023, sa gitna ng mga hakbang ng Marcos administration na pagandahin ang imahe ng bansa bilang attractive investment destination.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumobo sa P172.7-B ang halaga ng foreign commitments na inaprubahan ng investment promotion agencies ng bansa simula Enero hanggang Marso.

Halos 20 beses itong mas mataas mula sa P8.98-B na naitala sa unang quarter ng 2022, subalit bahagyang mas mababa kumpara sa P173.61-B kumpara sa huling quarter ng 2021.

Ang Germany ang may pinakamalaking source ng approved investment pledges na P156.96-B o 90.9% share; sumunod ang Japan, P3.82-B; at the Netherlands, P2.65-B. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author