dzme1530.ph

Kondisyon na tinatawag na hoarding disorder, alamin!

Ang hoarding disorder ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay laging namimili ng mga gamit kahit hindi naman ito kailangan.

Madalas ding nahihirapan ang taong may kondisyon na ito na magtapon ng mga gamit kahit wala na itong pakinabang.

Sa pagsasaliksik, ang mga taong may depresyon, anxiety, obsessive-compulsive disorder at attention-deficit hyperactivity disorder ang kalimitang nakararanas nito kung saan nakakaramdam sila ng sobrang lungkot at panghihinayang sa tuwing magtatapon ng mga bagay.

Batay sa mga paga-aral, kadalasan nagsisimula ang sintomas nito sa edad 11 hanggang 15 at mas lumalala ito sa kanilang pagtanda.

Nagbabala ang eksperto, dahil sa sobrang pag-iimbak, maaari itong magbunsod ng problema sa pamilya, kalusugan, at kaligtasan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author