Mahigit 20,000 notice of violation ang inisyu ng Department of Trade and Industry (DTI) laban sa online stores na nagbebenta ng ipinagbabawal na vape products.
Kabilang diyan ang mga seller sa iba’t ibang platforms at individual merchants kung saan kailangan nilang magpunta sa ahensya upang magpaliwanag.
Nabatid na umabot na sa kabuuang P3.5-M ang halaga ng illegal vape products na nakumpiska ng dti simula noong nakaraang taon, bilang bahagi ng pagtalima sa Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act.
Sinabi naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mahigpit na binabantayan ng kanilang grupo mula sa Fair Trade Enforcement Bureau ang online stores upang masugpo ang mga nagbebenta ng nabanggit na iligal na produkto.
Samantala, ipinabatid ng Philippine National Police na nakatuon sila sa pagsita, pagpapaalala, at pagkumpiska ng vape ng mga menor de edad, alinsunod sa umiirial na batas at lokal na ordinansa. —sa panulat ni Airiam Sancho