Ipinanukala ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng digital copies ng lahat ng textbook at reference books ang mga pampublikong paaralan sa elementary at high school.
Ayon kay Estrada, layon k=ng kanyang inihaing Senate Bill 2075 na magtatag ng Philippine Online Library na magsisilbing imbakan ng lahat ng digitized copies ng textbooks at reference books na kailangan ng mga estudyante.
Nakasaad din dito na maglalagay ng computers at laptops ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng public primary at secondary schools habang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) naman ang aatasan na maglagay ng mabilis na internet connection sa mga paaralan.
Ani Estrada, ito ang nakikita niyang solusyon para maisakatuparan ang 1:1 student-textbook ratio sa public schools at matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Kung pipilitin aniya na mabigyan ng sapat na bilang ng mga libro ang bawat estudyante ay tiyak na matatagalan pa ito. —sa panulat ni Jam Tarrayo