Nakapagtala ng mas mataas na net inflows ang Foreign Direct Investments (FDI) sa bansa noong Pebrero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos na inilabas ng BSP, pumalo ang FDI net inflows sa $1.047-B sa ikawalang buwan ng taon, mas mataas ng 13% mula sa $926-M noong February 2022.
Mas mataas din ito sa $448-M net inflows na naitala noong Enero.
Ayon sa BSP, ang latest figure ay pinakamataas sa loob ng 15 buwan mula nang maitala sa bansa ang $1.263-B FDI net inflows noong November 2022.
Ang FDI ay maaring sa porma ng equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings. —sa panulat ni Lea Soriano