dzme1530.ph

Ilang miyembro at biktima ng Malindi Cult sa Kenya, nawalan ng mga laman-loob

Lumalabas sa autopsy ng ilang miyembro at biktima ng Good News International Church Cult (GNIM) o Malindi Cult sa Kenya na nawawala ang mga organ o laman-loob nito.

Ayon sa mga otoridad, pinaniniwalaan nila na ang lider ng GNIM na si Paul Mackenzie, na nakakulong na noong nakaraang buwan ang siyang nag-utos sa mga tagasunod nito na gutumin ang kanilang sarili maging ang kanilang mga anak hanggang sa ito ang kanilang ikamatay.

Pinangakuan din umano ni Mackenzie ang kaniyang mga tagasunod na mapupunta sila sa langit bago magunaw ang mundo, na tinayang dapat mangyayari noong April 15.

Subalit, sinabi ni Johansen Oduor, Chief Pathologist ng Kenya na habang ang starvation o matinding kagutuman ang pinakasanhi ng pagkamatay ng mga biktima kabilang na ang mga bata, nakita aniya sa pagsusuri na sinakal at sinaktan ang mga ito.

Naniniwala rin ang mga otoridad na may ibang taong sangkot sa krimeng ito lalo’t nawawala ang mga organ ng ilan sa mga biktima.

Nabatid na nadiskubre ang mass grave o bangkay ng higit 100 ndibidwal sa bayan ng Malindi sa Indian Ocean noong nakaraang buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author