dzme1530.ph

Convoy na may sakay na ASEAN diplomats, inatake ng armadong grupo sa Myanmar

Pinagbabaril ng hindi kilalang armadong grupo ang isang convoy ng mga diplomat na patungong bayan ng Taunggyi sa Shan State sa East Myanmar.

Ayon sa mga otoridad, wala namang naiulat na casualty at all safe naman umano ang mga kasama sa convoy na kinabibilangan ng mga diplomat mula sa embahada ng Indonesia at Singapore at ilang mga opisyal ng humanitarian relief mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Regional Bloc.

Sinabi naman ni Indonesian President Joko Widodo na ang mga opisyal at diplomat ay magpupunta sana sa ilang bayan ng Myanmar para magbigay ng humanitarian aid sa mga biktima ng kaguluhan doon.

Tiniyak naman ng otoridad na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon hinggil dito.

Matatandaang nito lamang Marso ngayong taon nang i-masaker ang nasa tatlumpung katao na nakitira sa isang minasteryo sa Southern Shan State, sa bayan ng Taunggyi kung saan hinihilang mga miyembro ng Junta o anti -coup fighters ang may kagagawan sa nangyaring krimen. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author