dzme1530.ph

Trade deficit ng bansa, umakyat sa $4.93-B noong Marso

Naitala sa $4.93-B ang trade deficit ng bansa noong Marso, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, mas mataas ito kumpara sa $3.88-B noong Pebrero.

Ang trade deficit o ang balance of trade in goods ay ang difference sa pagitan ng value ng export at import.

Ibig sabihin, mas mataas ang halaga ng imports kaysa exports noong ikatlong buwan ng taon.

Ang total export sales noong Marso ay umabot sa $6.53-B habang ang imports ay nagkakahalaga ng $11.46-B.

Ang China ang nag-ambag ng pinakamataas na total export value na $1.42-B at ito rin ang may highest import value na $2.57-B.

Kabilang din sa may pinakamalaking naiambag sa exports ang Japan, US, Hong Kong at Singapore habang sa imports naman ay ang Indonesia, Japan, Korea at Thailand. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author