dzme1530.ph

Palawan at Mindoro, tinukoy na ideal sites para sa nuclear reactor facilities

Pinag-aaaralan ng pamahalaan ang pagtatayo ng Small Modular Reactor (SMR) facilities sa Occidental Mindoro at Palawan, ayon sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).

Sinabi ni PNRI Director Carlo Arcilla, na ideal ang dalawang lalawigan para pagtayuan ng SMRs, dahil wala silang supply ng kuryente, lalo na sa gabi.

Aniya, marami nang turista ang dumarayo kaya napapanahon na rin para ikonsidera ang nuclear power sa mga isla na hindi konektado sa grid.

Noong nakaraang buwan ay isinailalim sa state of calamity ang Occidental Mindoro dahil sa mahigit 20 oras na brownout kada araw. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author