Naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng experts’ forum para makabuo ng mga rekomendasyon sa pag-repaso sa mga polisiya kaugnay ng reclamation activities sa bansa.
Pinangunahan ni DENR Sec. Antonia Yulo-Loyzaga ang forum na magsisilbing plataporma para sa dayalogo ng mga eksperto at stakeholders.
Sa ilalim nito, tutukuyin ang gaps at entry points upang mapalakas ang reclamation policies sa national at local levels.
Sinabi pa ng DENR na kailangan nang repasuhin ang ilang reclamation laws and policies kabilang ang Executive Order No. 74, Philippine Reclamation Authority Administrative Order No. 2019-4, DENR Administrative Orders No. 2003-30 at 2018-14, at DILG Memorandum Circular No. 2022-018.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028 na layuning mapasigla ang Public-Private Partnerships sa iba’t ibang sektor. —sa ulat ni Harley Valbuena