dzme1530.ph

Panukalang magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ policy, lusot na sa huling pagbasa ng Kamara

Pinagtibay ng kamara sa third and final reading ang panukala na magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ policy sa mga pribadong paaralan.

Base sa House Bill 7584, dapat pa ring pahintulutan na makapag-exam ang mga mag-aaral na hindi agad makababayad ng matrikula.

Kailangan lamang na magbigay ng promissory note ang magulang o guardian ng estudyante kung saan nakasaad kung kailan ito makapagbabayad.

Nakasaad din dito na mayroong karapatan ang paaralan na hindi ibigay ang clearance at transfer credential ng mag-aaral hangga’t hindi nababayaran ang utang nito o kaya’y hindi ito makakapag-enroll sa susunod na school year.

Sakaling mapatunayan na ang magulang o guardian ay gumawa ng fraud para makakuha ng naturang benepisyo, mahaharap sila sa administrative o disciplinary action ng naturang paaralan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author