dzme1530.ph

Anti-Financial Account Scamming Act, aprub na sa Kongreso

Aprubado na ng Kamara ang House Bill 7393 o ang Anti-Financial Account Scamming Act.

Layunin ng panukala na mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga magnanakaw ng impormasyon at pera mula sa mga bangko at e-wallets.

Nakasaad din dito na pagmumultahin ng P100,000 hanggang P200,000 at papatawan ng hanggang anim na taong pagkakakulong ang sinumang mapapatunayan na nagnakaw ng pera.

Habang ang mahuhuli namang nagnakaw ng impormasyon ay paparusahan ng anim hanggang labing dalawang taong pagkakakulong at multa mula P100,000 hanggang P500,000.

Kung sakali namang sindikato ang nasa likod nito ay maituturing itong economic sabotage na mayroong kaakibat na habambuhay na pagkakakulong at multa ng P1-M hanggang P5-M. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author