Inihain ni Senate Committee on Migrant Workers Senator Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 2078 na may layuning maitaguyod ang financial responsibility at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga OFW sa pamamahala ng pananalapi.
Ayon kay Sen. Raffy, target din ng panukala na bigyan ng libreng financial literacy training programs ang lahat ng OFW bilang pre-departure at post-arrival seminar upang makaiwas sa iba’t ibang investment at online scam.
Ito aniya ang dahilan kung bakit maraming mga OFW ang napagsasamantalahan at nananakawan ng kanilang pera kaya umuuwi ang mga ito nang walang dalang ipon.
Pero nitong COVID-19 pandemic, nakita ani Tulfo, ng lahat ng Pilipino ang kahalagahan ng financial safety at responsibility kung kaya dapat lang aniya na samahan ng financial literacy ang edukasyon tungkol sa mga financial services gaya ng stocks, bonds, insurance, at mutual funds, na available sa merkado. —sa panulat ni Ronnie Ramos