dzme1530.ph

Umiiral na minimum health protocol, i-ayon sa WHO declaration —Rep. Romualdez

Umapela si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa DOH at Inter-Agency Task Force na i-adjust o i-ayon na ang umiral na minimum health protocol kasunod sa World Health Organization (WHO) declaration.

Positibo kay Speaker Romualdez, ang pahayag ng WHO na alisin nang tuluyan ang COVID-19 Global Health Emergency Declaration.

Para kay Romualdez, ang pasya ng WHO ay patunay na nagtatagumpay ang mga bansa sa mundo kasama ang Pilipinas, sa paglaban sa COVID-19, bagaman nananatili pa rin itong banta sa kalusugan.

Dahil sa wala nang restrictions mas makakagalaw na umano ang publiko at inaasahan ang pagsigla ng ekonomiya.

Pinaghahanda na rin nito ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa inasahang pagdami ng turistang bibista sa bansa na malaking tulong sa ekonomiya.

Sa harap ng pagbabagong ito, may panawagan pa rin ang presidential cousin sa lahat na patuloy na mag-ingat at magsuot ng face mask bilang pag-ingat laban sa COVID-19 virus. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author