Handa na ang Kamara para talakayin ang 11 priority measures na aprubado ni PBBM sa pagbabalik ng sesyon ngayong May 8.
Una nang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na karagdagan ang 11 priority bills na ito sa 31 LEDAC measures na inilatag ng pangulo sa kanyang unang SONA.
Sinabi ni Romualdez na ang karagdagang panukala ay inaprubahan ni Pang. Marcos bilang solusyon sa usapin ng public heath, job creation at pagpapalago ng ekonomiya.
Pangunahin dito ang Maharlika Investment Fund na Senate version na lang ang hinihintay, ang kontrobersyal na AFP Fix Term Bill, East of Paying Taxes, Local Gov’t Unit Income Classification, Amendment to Universal Health Care Act.
Additional measure din ang Bureau of Immigration Modernization, Infrastructure Development Plan o Build Build Build Program, Salt industry Development Act, Phil Ecosystem and Natural Capital Accounting System, National Employment Action Plan at Amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act.
Bukod dito, may 13 panukalang batas din ang Kamara na nasa priority list, ilan dito ang On-Site, In-City Near City Local Government Resettlement Program, Open Access in Data Transmission at Mandatory Establishment of Evacuation Centers in Every City, Provinces and Municipality. —sa ulat ni Ed Sarto