dzme1530.ph

Luzon Grid, isinailalim sa red alert ng NGCP

Apektado ng brown-out ang ilang bahagi ng Luzon makaraang limang power plants sa rehiyon ang nakararanas ng forced outages, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sinabi ng NGCP, na simula kaninang ala-1:00 hanggang ngayong alas-4:00 ng hapon ay nakasailalim sa red alert ang Luzon Grid, at mauulit ito mamayang ala-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.

Simula naman alas-4:00 ng hapon hanggang mamayang al-6:00 ng gabi ay sasailalim ang Luzon Grid sa yellow alert.

Ang red alert ay itinataas kapag hindi sapat ang power supply para ma-meet ang demand ng consumers dahilan para magkaroon ng power outages habang ang yellow alert ay itinataas kapag manipis ang supply at hindi sapat para maabot ang regulatory at contingency requirements ng transmission grid. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author