Posibleng umarangkada na sa ikatlong bahagi ng taon ang joint patrols ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.
Ito ay sa harap ng nagpapatuloy na territorial dispute laban sa China.
Ayon kay Philippine Ambassador to USA Jose Manuel Romualdez, nakikita niyang malapit nang mangyari ang joint patrols, at patuloy niya umanong isusulong ang pagkakaroon ng mga diskusyon kaugnay dito.
Bukod dito, sinabi ni Romualdez na bukas din sila sa posibleng paglahok sa joint exercises ng Australia at Japan.
Matatandaang nagkasundo ang Pilipinas at America na palakasin pa ang security at maritime cooperation, kasunod ng bilateral meeting sa White House nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden.
Tiniyak naman ni Romualdez na layunin ng joint patrols na itaguyod ang Freedom of Navigation sa South China Sea. —sa ulat ni Harley Valbuena