dzme1530.ph

27 minero, patay matapos masunog ang pinagtatrabahuang minahan sa Peru

Patay ang 27 minero matapos masunog ang pinagtatrabahuang minahan ng ginto sa Arequipa Region, Southern Peru.

Ayon sa mga otoridad, dalawa ang kanilang nailigtas ngunit wala na umanong inaasahang iba pang survivors sa insidente.

Anila, base sa kanilang imbestigasyon, posibleng electrical short-circuit ang naging sanhi ng sunog sa loob ng La Esperanza Mine.

Dagdag pa ng mga ito, ang mga minero ay pinaniniwalaang nagtatrabaho ng hindi bababa sa 80 hanggang 100 meters o 330ft below the surface nang sumiklab ang sunog kung kaya’t nahirapan na rin ang mga itong makaligtas.

Kasunod nito, sinabi ng regional government na may mga kamag-anak ng mga biktima ang nagtungo sa minahan kinabukasan ngunit hindi ito pinapasok sa site.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang mining company sa naganap na insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author