dzme1530.ph

US, walang hiling na magpadala ng mga sundalong Pilipino sa Taiwan —PBBM

Walang hiling ang America sa Pilipinas sa pagpapadala ng mga sundalong Pilipino sa Taiwan sakaling lumala ang tensyon doon.

Ito ang nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang forum sa Washington DC, USA, nang tanungin kung tutulong ang gobyerno ng Pilipinas sa America sakaling magkaroon ito ng digmaan laban sa China dahil sa Taiwan.

Bukod dito, tiniyak ng pangulo na hindi gagamitin ng Estados Unidos ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para sa opensiba laban sa anumang bansa.

Ang Pilipinas at USA ay nakatali sa mutual defense treaty o ang pagtatanggol sa isa’t isa sakaling makaranas ng armadong pag-atake o pananakop ng ibang bansa.

Una nang tiniyak ni US Defense Sec. Lloyd Austin na handa ang America na rumesbak para sa Pilipinas sa harap ng South China sea dispute. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author