Malaking tulong sa kalagayan ng mga Pilipino sa harap ng nagbabadyang El Niño at iba pang hamon, ang bumabang inflation rate sa bansa.
Ito ang reaksyon ng Malakanyang kasunod ng naitalang 6.6% inflation rate para sa buwan ng Abril, mula sa 7.6% noong Marso.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang food at non-alcoholic beverages ang may pinaka-malaking kontribusyon sa pagbaba ng inflation batay sa Philippine Statistics Authority.
Sinabi naman ng National Economic and Development Authority na bumagal sa 7.1% ang inflation rate sa Metro Manila mula sa 7.8% noong Marso, at 6.5% mula sa 7.5% sa mga lugar sa labas ng NCR.
Sa kabila nito, ang 6.6% nationwide inflation rate ay mas mataas pa rin sa 4.9% inflation sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. —sa ulat ni Harley Valbuena