Ang surot ay isang uri ng insekto na sinliit ng buto ng mansanas o minsan ay mas maliit pa.
Ito ay kadalasang nagtatago sa mga singit ng kutson, bed frame, mga furniture na gawa sa kahoy, at iba pa.
Ang kagat ng surot o bed bug bites ay nagreresulta sa pagkakaroon ng makati at namamagang pantal sa ating katawan.
Ayon sa mga eksperto, kadalasang mapanganib ang kagat ng surot. Ito’y dahil maaaring maranasan ng isang taong nakagat nito ang lagnat, hirap sa paghinga, impeksyon sa balat, stress at emotional anxiety, impetigo, at iba pa.
Upang makaiwas naman sa kagat ng surot, kailangang panatilihing malinis ang bahay lalo na ang mga kwarto.
Labahan at palitan din nang madalas ang kobre-kama upang masuri kung may mga nagtatagong surot at iwasan ang pag-iimbak ng gamit sa ilalim ng kama. — sa panulat ni Airiam Sancho