dzme1530.ph

4,000 metric tons ng smuggled na asukal, ibebenta sa Kadiwa stores

Nasa 4,000 metric tons ng kinumpiskang smuggled na asukal ang inaprubahang maibenta sa Kadiwa outlets sa mas murang halaga, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa televised public briefing, sinabi ni SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona na ang 4-M kilo ng puting asukal ay ibebenta sa Kadiwa stores ng P70/kilo.

Idinagdag ni Azcona na ang pinayagan pa lamang na maibenta ay 4,000 metric tons habang mayroon pang halos 6,000 metric tons na natitira na kailangan pa ng approval para mai-donate sa Kadiwa.

Batay sa tala ng SRA at monitoring ng Department of Agriculture, nasa P100 hanggang P136 ang kasalukuyang presyo ng kada kilo ng puting asukal sa ilang mga pamilihan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author