dzme1530.ph

MMDA, hihingi sa LTO ng listahan ng e-vehicles na hindi na sakop ng number coding

Makikipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority sa Land Transportation Office para sa listahan ng electric vehicles na hindi na sakop ng Number Coding Schemes.

Sa ilalim kasi ng Republic Act 11697 o  Electric Vehicle Industry Development Act, ang mga e-vehicle pati ang hybrid vehicles ay mayroong full exemption mula sa Number Coding Schemes habang ang mga may-ari ay maaring mag-avail ng priority registration at renewal of registration, at issuance ng special type ng vehicle plate sa lto.

Aminado si MMDA Chairman Don Artes na mayroong ilang traffic enforcers na hindi pamilyar sa itsura at modelo ng hybrid at e-vehicles.

Sinabi ni Artes na kailangan munang linawin kung alin ang mga exempted dahil hindi naman nila alam kung anong mga modelo ng kotse  na electronic ang hindi kasama sa number coding. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author