dzme1530.ph

USAID, magbibigay ng $8-M para sa global healthy security ng Pilipinas

Kinumpirma ng United States Agency for International Development (USAID) na magbibigay sila ng karagdagang $8-M sa Pilipinas para suportahan ang global healthy security ng bansa.

Ayon sa USAID, ang halaga ay gagamitin para mamuhunan sa biosafety at laboratory capacity ng Pilipinas, disease surveillance, risk communication, at emergency preparedness.

Tiniyak din ng ahensya na makikipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) para tugunan ang dobleng pasanin ng mga non-communicable disease lalo na ang tuberculosis.

Anila tututukan din ng partnership na ito na magkaroon ng access ang mga Pilipino sa de-kalidad na gamot, treatment at targeted next-generation sequencing technology na tutugon sa mga drug-resistant strains o antibiotic resistant bacteria. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author