dzme1530.ph

Pilipinas at US, nagkasundong bumuo ng ministerial team para sa agriculture cooperation

Bubuo ang Pilipinas at America ng Ministerial Team para sa kooperasyon sa agrikultura.

Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong sa America nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayo ring Agriculture Sec., at ni US Department of Agriculture Chief Thomas Vilsack.

Sa nasabing meeting, ibinahagi ng pangulo ang mga kahinaang na-diskubre noong kasagsagan ng mga lockdown dahil sa pandemya, at ang kakapusan sa suplay ng pagkain.

Iginiit ng pangulo na hindi tuluyang makaa-alpas ang ekonomiya sa epekto ng pandemya kung hindi magiging maayos ang agriculture system.

Kaugnay dito, isinulong ni Marcos ang pagpapalakas ng agriculture research development, capacity-building sa advancement ng biotechnology, at pagpapalawak ng access sa America para sa agricultural products ng bansa.

Bukas naman ang USDA na palakasin pa ang pagpapalitan ng kaalaman ng dalawang bansa para sa agriculture innovation systems. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author